Ang Unang Araw

on

Ito ang unang araw na ilalaan ko para sa’yo.

Wala akong ibang plano kung hindi sundin ang mga nais mo.

Hindi ko papansinin ang mga sinasabi nilang pagkukulang mo.

Ang mahalaga ay mapasaya kita sa mga paraang alam ko.

Kakalimutan kong minsan ay binalewala mo ako.

Hindi ko na alintana ang mga hindi mo sinunod sa mga sinabi ko.

Ito ang unang araw na ilalaan ko para sa’yo,

Nang sa gayon, maramdaman mo ang pagpapahalaga ko

Sa isang tulad mo, na ang hiling lang ay mahalin ng totoo.

Hindi yung bibigyan ka ng mga regalong magagarbo

O aawitan ka ng mga kantang wala naman sa tono.

Alam kong ang nais mo ay mahalin lang ng totoo.

Na kahit sa mga simpleng salita ay mararamdaman mo ng buo

Ang mga emosyon na alam mong matagal ko nang itinatago.

Ito ang unang araw na ilalaan ko para sa’yo

Upang maalala mo kung ano ba talaga ang halaga mo.

Hindi ka lang nandiyan para sundin ang gusto ng ibang tao.

Napapasaya mo sila sa mga paraang alam mo.

Hindi sa materyal na bagay kundi sa iyong pagpapakatotoo,

Na walang kapantay na saya sa kanila ang dulot nito.

Kaya panahon na upang sarili mo naman ang isipin mo.

Ang sarili mong kaligayahan na tila pinabayaan mo.

Ito ang unang araw na ilalaan ko para sa’yo.

Ito na ang unang araw na ilalaan ko para sa sarili ko.

Advertisements

One Comment Add yours

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s